--- YEAR-END REPORT ---
Construction of waiting shed/reading area in OMNHS
Bago pa man magsimula ang pasukan ng mga mag-aaral ng Occidental Mindoro National High School (OMNHS) ay pormal ng pinagkaloob ng SK ng Brgy. Payompon sa pamumuno ni SK President E-K Almero ang isang unit na waiting shed/reading area sa mga mag aaral para magamit na ito ng husto at mapagsilbihan ng maiigi ang mga kabataan na pumapasok sa nasabing paaralan. Ayon kay SK Almero, ito ay isang handog ng organisasyon ng SK sa mga guro at estudyante para lalong maging epektibo ang kanilang pagaaral.
OJT Leadership Training
Nung summer ay nagkaroon ng programa ang Pamahalaang Bayan ng Mamburao na magkaroon ng On the Job Trainee (OJT) para sa mga kabataang gusto kumita ng extra habang bakasyon at hindi napasok. Tinulungan naman ng SK ng Mamburao ang mga nasabing kabataan para lalong mapabuti ang kanilang talento bilang pinuno na kung saan pinadala sila sa 3 araw na Leadership Training. Ito ay ginanap sa Training Center sa Kapitolyo ng Occidental Mindoro.
SK Provincial Federation Lakbay Aral
Tagumpay na nakadalo bilang mga representatives ng Mamburao ang ilan sa mga SK Chairman ng ating bayan sa lakbay aral ng SK Provincial Federation na dinaos sa probinsya ng Ilocos. Ayun sa mga SK Chairman na dumalo, ang kanilang mga karanasan sa lakbay aral ang nagpatibay sa kanilang kakayahang maglingkod sa kanilang mga nasasakupan.
Linggo ng Kabataan 2006; TAGUMPAY!
Matagumpay na ipinagdiwang ang Linggo ng Kabataan (LNK) noong buwan ng Setyembre. Ito ay nilahukan ng mga mag aaral at kabataan ng ating bayan na kung saan nahubog ng husto ang kanilang mga talento at kakahayan lalo na sa aspeto ng pamumuno. Matatandaan na nagdesign ang pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Mamburao ng mga programa, pa-contest, at ilan pang mga aktibidad para mapagdiwang ang kahalagahan ng kabataan bilang isang mahalagang sangkap ng ating pamahalaan. Ang ilan sa mga programa ng nakaraang LNK ay ang Young Government Officials (YGO), Search for Ms. LNK, dance contest, poster making contest, municipal clean up drive, at iba pa.
ANNOUNCEMENTS:
Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na may edad na 18 pataas sa araw ng eleksyon (MAY 14) sa susunod na taon na magparehistro sa COMELEC upang maging kwalipikadong botante sa darating na halalan. Magdala lamang ng mga sumusunod; (1) BIRTH CERTIFICATE, (2) VALID I.D.’s at pumunta na kagad sa opisina ng COMELEC na matatagpuan katabi ng munisipyo ng ating bayan.
LAST DAY OF REGISTRATION: DECEMBER 31, 2006. SALAMAT PO!!!
No comments:
Post a Comment